top of page

OCTA: BILANG NG MGA BAGONG COVID-19 CASES SA BANSA, POSIBLENG MALAGPASAN ANG MGA NAKALIPAS NA"SURGE"

Amor Sending | iNews | January 3

Photo Courtesy, Google


Cotabato City, Philippines - Sinabi ni OCTA Research Guido David kahapon, January 2 na posibleng tumaas pa ang bilang ng COVID-19 infection sa Pilipinas sa mga susunod na araw at posibleng malampasan pa nito ang rurok ng o peak ng DELTA surge.


Aniya, nakikinita umano ng grupo na ang bansa ay maaring magtala ng 3,500 hanggang 4,000 na karagdagang kaso ng COVID-19 at maaring tumaas pa sa mga susunod na mga araw.


Dagdag nito, malaki ang posibilidad na ang Omicron variant ang nagdudulot ng pagtaas ng mga bagong kaso, dahil sa mataas na reproduction number nito.


Nabanggit ng OCTA Fellow na ang pagtaas ng mga kaso ay pangunahing nakikita sa Metro Manila, ngunit mayroon ding mga pagtaas sa Cavite, Rizal, Laguna, at Bulacan.


Sinabi ni David na maaaring mapigilan ang pag-sipa ng covid-19 cases, sa pamamagitan ng paghihigpit sa mga boarder control upang maiwasan ang pagtaas ng mga impeksyon na makarating sa ibang mga rehiyon.


End.

8 views0 comments