top of page

OCULAR INSPECTION


Photo Courtesy: MOTC- BARMM

BANGSAMORO AIRPORT AUTHORITY, PINANGUNAHAN ANG OCULAR INSPECTION SA MALABANG AIRPORT


Bangsamoro Autonomous Region - Pinangunahan ng Bangsamoro Airport Authority ng MOTC BARMM ang ocular inspection sa Malabang Airport.


Ininspeksyon ng Bangsamoro Airport Authority sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications ang Malabang Airport.


Ang Malabang Airport ay isang konkretong paliparan sa coastal area ng bayan. Ang runway nito ay may sukat na 1, 360 meters o 4, 462 feet.


Isa itong non-operational community airport na opisyal nang itinurn-over sa MOTC BARMM ng Civil Aviation Authority of the Philippines noong January 11, 2023.


Isinasailalim sa assessment ang paliparan na strategically positioned sa mga kalapit bayan at rehiyon.


Prayoridad ng MOTC ang safety at security ng airport kaya maglalagay ng perimeter fence ang ahensiya sa lalong madaling panahon.


Ang ocular inspection ay pinangunahan ni MOTC BARMM Minister Paisalin Tago at mga opisyal ng BAA, kasama rin ang mga opisyal ng Malabang LGU.

7 views0 comments