Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy : BTA
Cotabato City, Phils - Itinurn-over ng Office of the Deputy Minority Floor Leader Atty. Rasol Mitmug, Jr., kasama ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ang labing dalawang digital duplicators sa ilang bayan ng Lanao del Sur at Maguindanao.
Sinabi ni MP Mitmug na ang pamamahaging ito ay bahagi ng pagtugon ng Bangsamoro Government sa online distance learning set-up ng edukasyon upang walang batang Bangsamoro ang maiiwan.
Kabilang sa mga nakatanggap ng duplicators na ito ang mga bayan ng Kapatagan, Marantao, Taraka, Maguing, Lumba Bayabao, Parang, at Marawi City.
Nagsagawa rin ang opisina nito ng site visits upang matukoy ang mga munisipalidad sa Lanao del Sur na dapat malagyan ng solar streetlights.
Ang mga proyektong ito ay pinondohan gamit ang Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Mitmug.
End.