MIKHAEL PALAPAR BANGSAMORO GOVERNMENT - Pormal ng itinurn over ng Office of the Member of Parliament Eddie Alih ang isang palapag na classroom building sa Mindanao State University ng Tawi Tawi College of Technology and Oceanography - Sitangkai Junior High School.

(Photo courtesy: Bangsamoro Government)
Ito ay proyekto ni MP Eddie Alih sa pakikipagtulungan sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education.
Mula sa naging 2020 Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Alih, ang limang classroom building ay inaasahan makakapagbigay ng mas dekalidad na edukasyon ang mga estudyante ng nasabing paaralan.

Samantala, pinasinayaan ng Office of the Member of Parliament Ali Solaiman ang grounbreaking ceremony para sa konstruksyon ng ilang infrastracture projects sa munisipiyo ng Sultan Dumalondong at Lumbayanague sa Lanao del Sur.
Kabilang dito ang barangay road sa Malalis sa Sultan Dumalondong, multi-purpose building sa Brgy. Wago at a water system at multi-purpose building naman sa Brgy. Raya Miniros sa Lumbayanague.
Mga nasabing proyekto ay pinondohan mula sa 2020 Transitional Development Impact Fund o TDIF ni MP Solaiman.
