Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Nagpapatuloy ngayon ang mga programa ng Office of the Member of the Parliament Don Loong bilang bahagi ng kanilang Transition Development Impact Project sa ilang barangay sa munisipyo ng Parang sa probinsya ng Sulu.
Mahigit 500 benepisyaryo ang naabutan ng tulong sa isinagawang medical outreach program sa 40 barangays.
Matapos ang naging site validation at Multi-Purpose Gym sa Brgy Alu Layag-Layag , mahigit 100 solar light lamps naman ang kasalukuyang ikinakabit sa mga coastal areas ng sa nasabing munisipyo.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga resident ng Parang municipality sa Sulu sa patuloy na programang isinasagawa ng opisina ni MP Don Loong.