OFFICIAL STATEMENT
Updated: May 11

MAGUINDANAO DEL NORTE VICE GOVERNOR BAI AINEE SINSUAT, HINILING ANG PAGKAKAISA, GAYUDIN ANG TIWALA NG TAONG BAYAN SA KANILANG MANDATO AT LIDERATO
Maguindanao del Norte - Naglabas ng opisyal na pahayag si Maguindanao del Norte Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, matapos ang kanilang panunumpa sa Malacanang.
Sinabi ng bise gobernador na ito ay isang napakahalagang milestone sa kasaysayan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Norte nang lahat na may mabuting hangarin, anuman ang kaakibat, ay nagsama-sama sa iisang layunin ng paglilingkod sa mga nasasakupan nito.
Aniya ang pagkakaisa ay maaaring makamit sa pamamagitan ng sama-samang pagnanais ng bawat indibidwal na paunlarin hindi lamang ang bagong lalawigan kundi maging ang bawat isa.
Hinihikayat ng opisyal ang bawat nasasakupan, stakeholder, tagapagtaguyod ng kapayapaan na manindigan laban sa mga sumisira sa kapayapaan na ang layunin ay idiskaril ang pag-unlad ng lalawigan na ipinagkaitwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nanawagan ito sa taombayan ng Maguindanao del Norte na magtiwala sa kanilang mandato at liderato.