OIC GOVERNOR | ACTING GOVERNOR

Sa usapin ng liderator sa Maguindanao del Norte, isa ang OIC governor sa katauhan ni dating Senior Minister Abdulraof Macacua na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at isa naman ang patuloy na nagsisilbing Acting Governor sa katauhan ni Maguindanao elected Vice Governor Bai Ainee Sinsuat kung saan naka -angkla ang pag-upo nito sa pwesto sa isinasaad ng Republic Act 11550-
Sa masalimuot na usaping legal at pulitika, ang mga empleyado ng defunct Maguindanao na nailipat sa Norte ang naiipit sa sitwasyon. Sa consultative meeting kahapon, hinaing hinggil sa kanilang sahod, bayarin at estado ng kanilang trabaho ang inihayag ng mga ito sa MILG at transition team ni OIC Governor Abdulraof Macacua.
Sa masalimuot na usaping legal at pulitika, ang mga empleyado ng defunct Maguindanao na nailipat sa Norte ang naiipit sa sitwasyon. Sa consultative meeting kahapon, hinaing hinggil sa kanilang sahod, bayarin at estado ng kanilang trabaho ang inihayag ng mga ito sa MILG at transition team ni OIC Governor Abdulraof Macacua.
Gustuhin man daw na maresolba agad ang mga problema aminado si MILG Minister Atty Naguib Sinarimbo na may mga legal proseso na dapat sundin.
Sa ngayon, umuupong OIC Governor ng Maguindanao del Norte si dating Senior Minister Abdulraof Macacua, matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng kanyang liderato, wala pang umuupong bise gobernador at hindi pa nabubuo ang kakatawan sa Sangguniang Panlalawigan dahil hinihintay pa ang appointment order mula sa office of the president ng mga idinagdag na board members.
Sa kabilang banda, patuloy namang nanunungkulan si Maguidanao Elected Vice Governor Bai Ainee Sinsuat bilang Acting Governor ng probinsya. Patuloy din na nanunungkulan bilang Acting Vice Governor si Sharifudin Mastura.
Ang pag-upo anila ay naka-angkla sa Republic Act 11550.
Nahati na ang pondo ng defunct Maguindanao, kung saan 1.8 billion pesos ang napunta sa norte.
Napagbukas na ng bank account sa Land Bank of the Philippines ang liderato ni Sinsuat at Mastura sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.
Nakapag disburse na rin ng pondo ang probinsiya ng norte sa ilalim ng liderato ng dalawang opisyal para sa sweldo ng mga empleyado sa buwan ng Enero At Pebrero.
February 20, 2023 nang maghain ng petition for Mandamus with prayer for Preliminary Mandatory Injunction ang provincial government ng Maguindanao del Norte na nirepresenta ni Acting Governor Bai Ainee Sinsuat.
Respondents ng petisyon ang Bureau of Local Government Finance Regional Office 12 na nirepresenta ni Regional Director June Ann Abella, BLGF Central Office, at MILG na nirepresenta ni Minister Naguib Sinarimbo.
April 19, 2023 naglabas ng Writ of Preliminary Mandatory Injunction ang 2nd Divison ng Supreme Court hinggil sa petition.
Ipinag-utos ng korte suprema sa Bureau of Local Government Finance ang pagproseso sa designation ni Badorie Alonzo o sino mang kwalipikadong indibidwal na italaga ng petitioner bilang provincial treasurer ng Maguindanao del Norte.
Ang kautusan ay inilabas matapos matanggap ng SC ang comment and oppostion mula sa MILG.
Sa ngayon, nakabinbin pa sa Supreme Court ang usapin hinggil sa Petition for Mandamus.