top of page

OIC NG MAGUINDANAO DEL NORTE PPO


Photo Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region


Itinalaga ni PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Allan Nobleza si PNP BARMM Regional Director for Operations, PCol James Gulmatico bilang OIC ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office. Kasabay ng anunsyo ay ang pagharap ni Nobleza sa mga pulis na matatalaga sa Maguindanao del Norte. Nagbabala ang heneral sa kanyang mga tauhan na sa nagbabandyang banta at maging handa sa ano mang terroristic at criminal activities na maaring mangyari ano mang oras.


Pamumunuan ni PNP BARMM Regional Director for Operations , PCol James Gulmatico ang Maguindanao Provincial Police Office bilang Officer-in-charge.


Sakop nito ang labindalawang bayan sa probinsya na kinabibilangan ng Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura at Talitay.


Sa regional headquarters ng PNP BARMM ang magiging pansamantalang tanggapan ng Maguindanao del Norte PPO.


Ang pagtatalaga kay Gulmatico ay inanunsyo ni PNP BARMM Regional Director Allan Nobleza kahapon sa Bigkis Lahi Hall, Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang Maguindanao del Norte-


sa pagharap nito at pakikipag-usap sa mga pulis na madedestino sa bagong tatag na lalawigan.


Hinikayat nito ang mga pulis na palakas ang kampanya kontra illegal na droga, tukuyin ang political violence base sa identified risk factors, at political hotspots. Bukod sa illegal drugs, nagbabala din si Nobleza sa mga pulis sa nagbabandyang banta at dapat maging handa ang mga ito sa ano mang terroristic at criminal activities na maaring mangyari ano mang oras.



0 views0 comments