top of page

Oil price hike, muling umarangkada ngayong araw

Kate Dayawan | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Muling nagpatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ngayong araw ng martes, September 21 ang mga kompanya ng langis sa bansa.


Ito na ang ika-4 na linggong nagkaroon ng oil price hike.


Simula kaninangang alas 12:01 ng hatinggabi ay tinaasan na ng Caltex ang presyo sa kada litro ng gasoline at diesel ng P0.80 habang P0.85 ang idinagdag sa presyo kada litro ng kerosene.


Alas sais naman ng umaga ngayong araw ay ipinatupad na rin ng Shell, Seaoil, Petron at Flying V ang dagdag na presyo sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene habang ang Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum at PTT Philippines, tanging ang presyo lamang ng gasolina at diesel ang tinaasan.


Epektibo naman mamayang alas kwatro ng hapon ay ipatutupad na ng Cleanfuel ang P0.65 na dagdag sa presyo kada litro ng gasolina habang P0.70 naman sa diesel.



2 views
bottom of page