OIL PRICE ROLLBACK, AASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

Joy Fernandez | iNEWS | November 19, 2021


Cotabato City, Philippines - Ayon sa unang dalawang araw na trading, bumaba nang P0.82 ang kada litro ng gasolina, P1.21 naman sa kada litro ng kerosene at P1.22 ang presyo ng kada litro ng diesel.


Dahil dito, inaasahang magkakaroon muli ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Kung sakaling matuloy man, ito na ang ikatlong sunod na linggong nagkaroon ng bawas presyo sa produktong petrolyo.


4 views