Fiona Fernandez | Inewsphilippines

PHILIPPINES -- Muling magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw, July 26.
Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, bumaba ang presyo ng Diesel sa 1 peso at 85 Centavos, Kerosone sa 1 peso at 30 centavos at 40 centavos naman ang ibinaba ng Gasolina.
Ang rollback ay bunsod ng paghina ng demand dahil sa economic measures ng iba't ibang bansa dala ng inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Kasali ang rollback ngayong araw, halos P13 na ang natapyas sa presyo ng diesel kaya maglalaro na sa P71 hanggang P82 ang kada litro nito.
Higit P11 naman ang kabuuang rollback ng gasolina sa loob ng 3 linggo.
Sa kabila ng serye ng bawas presyo, ayos na daw ang pamasahe dahil naglalaro na din sa 12 pesos ang minimum fare.
Ito na ang ika-apat na linggong nagkaroon ng oil price rollback.