top of page

OLIVA RODRIGO AT JOSHUA BASSETT, LOOKING HAPPY SA PREMIERE NIGHT NG HIGH SCHOOL MUSICAL

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Looking happy and healthy si Olivia Rodrigo at Joshua Bassett na magkasama sa isang litrato matapos dumalo sa premiere night ng High School Musical: The Musical: The Series nitong July 27.


Madaling kumalat sa social media ang mga litrato ng dalawa at maraming natuwa sa kabila ng isyung love triangle umanong nangyari na siyang naging dahilan ng pagkabuo ng kantang driver’s license ni Olivia.


Ang kanta, at ang iba pang hit debut album na Sour ni Rodrigo, ay bumuo pa ng mas maraming online speculations na may nabuong love triangle sa pagitan ni Rodrigo, Bassett at Sabrina Carpenter.


Hanggang ngayon, hindi pa nililinaw ng dalawa ang mga lumalabas na spekulasyon pero, tingin ng mga fans na tapos na ang drama, at masaya na rin silang makita na mabuti ang relasyon ng dalawa.

2 views
bottom of page