Amor Sending | iNEWS | November 25, 2021

Photo courtesy : MORCY KANAKAN
Cotabato City, Philippines - Sa nagpapatuloy na Climate Resilient Agriculture-Farmer Field School (CRA-FFS) Vegetable Production sa lalawigan, tinanggap ng mga magsasaka sa Probinsya ng Maguindanao ang starter kits at farm inputs na ipinamahagi ng OFFICE OF THE PROVINCIAL AGRICULTURIST Araw ng martes, ika- dalawampu't tatlo (23) sa buwan ng Nobyemre, na isinagawa sa Mao, Datu Abdullah Sangki.
Ito ay sa pakikipagtulungan sa United Nations Food and Agriculture Organisation, Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform, at Municipal at Barangay LGU.
Ang Climate Resilient Agriculture-Farmer Field School (CRA-FFS) ay isang group-based learning na nagbibigay ng impormasyon at kasanayan sa climate-smart farming, at pagtiyak na ang mga magsasaka ay may access sa reliable climate and weather information kung saan ibabatay ang mga desisyon sa pagtatanim.
Itinuturo rin dito ang pagbuo ng adaptive techniques sa agrikultura, crop diversification, contour farming, at organic farming techniques.

Photo courtesy : Maguindanao OPAG
Sa Direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, tinungo ng mga tauhan mula sa Office of the Provincial AGRICULTURIST at Agila A2F team ang Brgy. Bagan at Muti Maguindanao, upang mamahagi ng farm inputs sa mga MILF-BIAF COMBATANTS beneficiaries ng Agila A2F Program.
Anim na raang SAKO NG abono ang tinanggap ng mga MILF-BIAF Combatants beneficiaries na nasa ilalaim ng 118th base command. Ang mga farm inputs ay laan para sa kanilang 3rd cycle Production Rice Components,
Layon ng Agila ng Maguindanao na sa pamamagitan ng mga programang ito ay makamit ang mapayapa at produktibong Makabagong Maguindanao.