top of page

OPAPP, PINALITAN ANG PANGALAN SA OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE RECONCILIATION & UNITY

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy : OPAPRU


Cotabato City, Philippines - Opisyal nang inilunsad ngayong araw ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang bago nitong pangalan na Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity o OPAPRU.


Sa loob ng dalawampu’t siyam na taon, ang OPAPP ang naging kaagapay ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Luzon, Visayas at lalong-lalo na sa Mindanao.


Marami na rin itong natulungan lalo sa pagbabagong-buhay ng mga nagbalik-loob sa gobyerno at maging ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na sumailalim sa Decommissioning Process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Nanguna sa nasabing seremonya si OPAPP Secretary Carlito Galvez, Jr.


Sa paglulunsad ng bago nitong pangalan, kalakip nito ang karagdagang mandato kung saan kabilang dito ang pagtuon sa pag-embed ng kapayapaan, pagkakasundo at pagkakaisa ng lipunan sa bansa; pagpapahusay ng katatagan para sa kapayapaan ng bansa; at tulungan ang social, economic at political re-engineering ng bansa sa pamamagitan ng pagtugon sa mga ugat na sanhi ng armadong tungalian.


December 27, 2021 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive No. 158 kung saan nakasaad ang mga mandato ng OPAPRU.


Ang nasabing aktibidad ay isinagawa via Zoom na nilahukan naman ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at nagpahayag ng kanilang pagbati sa OPAPRU.


End.


7 views
bottom of page