top of page

Operasyon ng 8 unlicensed online lenders, ipinatitigil ng SEC

Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 16, 2022

Photo courtesy : SEC


Cotabato Ciy, Philippines - Ipinag-utos na umano ng Securities and Exchange Commission sa walong online lenders na agad na itigil ang kanilang operasyon hanggang sila ay mga lisensyado na at may pahintulot na mula sa nasabing tanggapan.


Kabilang sa mga unlicensed online lenders na tinutukoy ng SEC ay ang CashWill, PesoBee, Peso T-Safe Online Cash, RushLoan, SkyMart, SpendCash, Tapa, at WithU.


Ayon sa SEC, wala sa mga nabanggit na lenders ay rehistrado bilang korporasyon ng Komisyon at wala rin umanong Certificate of Authority to Operate bilang Lending/Financing Company ang walong kumpanya.


Napag-alaman din ng Komisyon na nagpapatupad ang mga online lending operator na ito ng mabigat at hindi makatwirang mga termino, nagpapatong ng matataas na interest rate at nagsasagawa ng mga kilos na labag sa right to privacy ng mga borrowers nito.


Bukod sa mga lending companies na ito, inatasan din ang mga may-ari at operators nito na itigil na rin ang pag-eendorso ng kanilang lending businesses.


Ayon sa SEC, umabot na sa 2,081 na mga lending company ang kanilang binawian ng certificate of registration at 73 online lending apps ang binigyan nila ng order to cease operations.


Paalala naman ng SEC sa publiko na suriing mabuti ang website ng mga kahalintulad nitong lending company kung ito ba ay lisensyado at rehistrado.


End.


1 view0 comments

Recent Posts

See All