Kate Dayawan

MAGUINDANAO — Sa loob ng dalawang araw, sama-sama at tulong tulong ang mga personnel ng 12th Regional Community Defense Group, Reserve Command, Philippine Army kasama ang limang Community Defense Centers at limang Ready Reserve Infantry Battalion sa mga probinsya ng North Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao, South Cotabato at Sarangani Province sa pagsasagawa ng “Operation Baklas-Posters” sa kani-kanilang areas of responsibility.
Binaklas ng militar ang mga banner, tarpaulin, sticker at iba pang election paraphernalia na nakapaskil sa pampubliko at pribadong lugar.
Abot sa 126 tonelada ng iba’t ibang campaign materials ang nakolekta ng AFP sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon doses. Ang mga materyales na ito ay itinurn-over ng AFP sa local government unit para sa klasipikasyon at proper disposal, kung saan ay muling gagamitin ang mga ito sa paggawa ng iba’t ibang produkto kabilang na ang mga handcrafted bags, temporary tent coverings at marami pang iba.
Alinsunod sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, layon ng mga unit ng AFP na makatulong sa pagpapatupad ng nasabing batasa t magsagawa ng regular related activities upang protektahan at i-preserve ang kalikasan, sa pamamagitan ng pagtulong na mapanatili ang socio-economic development at nation-building.