top of page

P1.2M SMUGGLED CIGARETTES


Photo Courtesy: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region


Nasamsam ng otoridad sa Cotabato City ang 1.2 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes.


Limampung assorted boxes ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng 1.2 million pesos ang nasamsam ng otoridad sa Brgy. Tamontaka 1, Cotabato City , kahapon. May 1, 2023.


Base sa imbestigasyon ng PNP BARMM, tumanggap ng tawag sa telepono ang Regional Intelligence Division-Regional Special Operations Group alas dose diyes ng umaga mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y stockpile na tinabunan ng tarpaulin na ibinaba mula sa wing van ng hindi pa kilalang lalaki na agad umalis patungo sa di matukoy na direksyon.


Agad tumugon ang otoridada at nasamsam ang mga kontrabando. Ang operasyon ay pinangunahan ng 1404th MFC, RMFB 14, 1404th, RID-RSOG PRO BAR, SOT-RHPU BAR at RC RHPU BAR.


Nasa kustodiya ng 1404th MFC ang mga nasamsam na ebidensiya na nakataka namang iturn-over sa Bureau of Customs.



5 views0 comments

Recent Posts

See All