P1.5-billion Support to Bangsamoro Transition Program, inilunsad ng BARMM at European Union
Kate Dayawan | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : BTA Parliament
Cotabato City, Philippines - Araw ng Lunes, November 15, nang ilunsad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at European Union to the Philippines ang limang taon na 1.5 billion peso Support to Bangsamoro Transition Program.
Layon ng SUBATRA na tulunga ng BARMM sa panahon ng transition period sa pagbuo ng pundasyon para pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpalalakas ng democratic governance capacities ng bawat institusyon nito.
Kabilang sa Bangsamoro transition perion ang pagpapasa ng priority legislation at ang establishment ng BARMM bureaucracy upang masiguro na naibibigay ang basic services nang walang antala.
Sinusuportahan ng SUBATRA ang BARMM executive, parliament, judiciary at civil society sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga ito sa pagdadala ng key transitional policies, pagsasagawa ng batas at pangangasiwa sa functions, adjudicate litigations, improve acces to justice at tumulong para sa isang mapayapang transition.
Binigyang diin ni EU Ambassador Luc Véron ang pangako ng EU na susuportahan ang Bangsamoro sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
Aniya, ang Bangsamoro transition period ay isang oportunidad para sa mga stakeholder sa BARMM na pakinggan ang mga aral sa nakaraan at ang paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan ng rehiyon, kung saan walang niisa ang maiiwan.
Ang SUBATRA programme ay co-funded ng Spanish Agency for International Cooperation and Development. Nagsimula ito noong July 2020 at magtatapos sa June 2025.
Kaagapay sa pagpapatupad ng SUBATRA Programme ang United Nations Office for Project Services, Bangsamoro Development Agency at ang Consortium of the Bangsamoro Civil Society.