top of page

P1.6-M na halaga ng droga, nasabat ng PDEA-BARMM as of January 2022 hanggang February 2022

Kate Dayawan | iMINDS Phils | February 22, 2022

Cotabato City, Philippines - Sa panayam ng iMinds Philippines kay Regional Director Rogelito Daculla, sinabi nito na as of January 2022 hanggang February 2022, umabot sa mahigit 236 grams ng shabu ang kanilang nakumpiska at labing limang indibidwal naman ang kanilang nahuli mula sa 223 na isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM kaagapay ang Philippine National Police.


Katumbas ito ng P 1,611,502.76.


Dagdag pa ni Daculla, umabot na rin sa 10,000 na mga fully grown Marijuana Plants ang kanilang nabunot na may katumbas na halaga na 8.6 million pesos.


Sa bilang naman ng mga convicted cases sa rehiyon as of February 2022, 26 na kaso ang na-convict at 20 naman ang akusado.


Direktiba ng director sa kanyang mga tauhan na doblehin pa ang kanilang ginagawang effort dahil maikli na lamang ang panahon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at Director General Wilkins Villanueva.



END.

6 views0 comments

Recent Posts

See All