top of page

P12.4M na halaga ng sigarilyo, nadiskubre sa warehouse nang magsagawa ng post fire inspection.

Kate Dayawan | iNEWS | November 22, 2021


Photo courtesy : City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - Nakumpiska ng PNP ang nasa 12.43 million pesos na halaga ng iligal na sigarilyo sa isang warehouse sa Divisoria sa lungsod ng Zamboanga hapon noong Biyernes, November 19.


Sa report mula kay Police Station 5 Commander PMaj. Ramon Aquiatan, habang nagsasagawa ang kanilang team ng post-fire inspection sa lugar, kanilang nadiskubre sa isang warehouse sa Diamond Drive, Divisoria ang 354 master cases at 62 ream ng assorted cigarettes.


Ang nasabing warehouse, kung saan ay hindi na muna pinangalanan ang may-ari, ang naireport sa mga otoridad na di umano'y nasusunog.


Kasama ng PNP sa nasabing operasyon ang Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Unit Regional Office 9.


Agad na itinurn-over ang mga nakumpiskang sigarilyo sa BOC at isinarado ang warehouse kasama ang isang sasakyan.

50 views
bottom of page