top of page

P195K NA HALAGA NG SHABU, NAREKOBER NG PNP SA SITANGKAI, TAWI-TAWI

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Dahil sa agarang pagtugon sa report ng isang concerned citizen, nasabat ng Sitangkai Municipal Police Station ang mahigit isang daang libong halaga ng iligal na droga sa Punduhan Tapul, Daranagay Datu Putih, Sitangkai, Tawi-Tawi kahapon, March 23.


Sa report mula sa Tawi-Tawi Police Provincial Office, inireport umano ng isang concerned citizen ang isang drug activity sa bahay ng isang alyas Galib Ayudini Misuwari.


Agad na tumungon sa lugar ang pulisya ngunit hindi na nito naabutan pa ang suspek matapos na matunugan nito ang pagdating ng operatiba. Tumakas umano ang suspek sakay ng isang motorized bangka patungo sa direksyon ng Sabah, Malaysia.


Naiwan ng suspek sa pamamahay nito ang walong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman

ng mahigit kumulang 28.3 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halaga ng 192,500 pesos.


Bukod dito ay nakumpiska rin ang limang heat-sealed plastic straws na naglalaman ng 0.4 grams na may katumbas na halagang 2,700 pesos. Nakuha rin ang pera ng suspek, wallet, identification cards at iba pang drug paraphernalia.


Inihahanda na ng Sitangkai MPS ang kaso laban sa suspek.


Pinuri naman ni PBGen. Arthur Cabalona, Regional Director ng Police Regional Office BAR, ang agarang pagtugon ng Sitangkai MPS. Sinabi pa nito na patuloy isusulong ng PRO BAR ang kanilang kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro region.


End.


0 views
bottom of page