top of page

P2.4-M NA HALAGA NG MGA FULLY GROWN MARIJUANA PLANTS, BINUNOT AT SINUNOG NG PDEA-12 SA COLUMBIO, SK.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 21, 2022

Photo courtesy: PDEA RO XII


Cotabato City, Philippines - Sa report mula sa PDEA Regional Office XII, pasado ala una ng hapon, March 18, 2022 nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba kung saan Sitio Alyeng, Barangay Datal Blao, Columbio, Sultan Kudarat.


Mahigit kumulang 12,000 na mga fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog ng otoridad na nagkakahalaga ng abot sa P2.4-Million.


Nakatakas naman ang nangangalaga ng nasabing lugar na si alyas Jimben bago pa man makarating ang mga operatiba pero kakasuhan pa rin ito ng paglabag sa Section 16 o ang Cultivation of Dangerous Drugs ng Article II ng RA 9165.


Katuwang ng PDEA 12 sa operasyon ang PNP Sultan Kudarat.


End.




1 view
bottom of page