top of page

P2.4 Million na halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa Libungan, North Cotabato

Kate Dayawan | November 29, 2021

Photo courtesy - PRO 12 - PIO


Cotabato City, Philppines - Abot sa 4,800 rims ng iba't ibang brand ng mga iligal na sigarilyo ang nakumpiska ng Libungan Municipal Police sa Old Municipal Compound, Libungan, North Cotabato noong Biyernes, November 26.


Katumbas ng mga kontrabandong ito ang nasa 2.4 million pesos.


Sa report mula sa PNP, nakatanggap ang Libungan MPS ng report patungkol sa kasalukuyang nagaganap na transakyon ng mga hinihinalang smuggled cigarettes sa nasabing lugar at dahil dito ay agad na bumuo ng operating team ang Libungan MPS at tumungo sa lugar.


Ngunit nang malapit na ang PNP ay natunugan ito ng mga suspek at dali-daling tumakas sa iba't ibang direksyon.


Pinuri naman ni PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng PRO-12, ang Libungan MPS sa kanilang dedikasyon sa trabaho.

62 views
bottom of page