Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Arestado ng pulisya ang 5 tripulante na sakay ng isang motorized banca matapos masamsam ang 2.9 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa kanilang pag-iingat nang dumaong sa baybayin ng Sitio Garing-Garing, Barangay Tiayon, Ipil, Zamboanga Sibugay nitong lunes, September 12.
Ayon sa Area Police Command-Western Mindanao, bandang alas onse y media ng gabi nang dumaong ang isang motorized banca sa lugar. Dahil sa nagpapatuloy na Anti-Smuggling operation ng otoridad, ininspeksyon ng Ipil Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, at 2nd Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company ang motorized banca at napag-alaman na may karga itong dalawang daan at apat na master cases ng ipinuslit na sigarilyo.
Kinumpiska ng pulisya ang mga nasamsam na smuggled cigarettes matapos walang maipakitang kaukulang dokumento ang limang tripulante na sina alyas Garama, Cammar, Marvin, Mohammad, at Alyas Abbon.
Nasa kustodiya na ng Ipil Municipal Police Station ang mga naarestong tripulante, mga nakumpiskang kontrabando at bangkang de-motor habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
End