top of page

P200-M investment, ilalagak ng EKA Salam Agri-ventures Corporation sa BARMM

Kate Dayawan│ iNEWS │September 9, 2021


Cotabato City, Philippines - Bubuhayin muli ang banana industry sa bayan ng Buldon, Maguindanao.


Ito’y matapos na makipagpulong ang local investor na Eka Salam Agri-ventures Corporation sa mga dating magsasaka ng Al-Sahar Agri-ventures, Inc. noong September 1, 2021 sa Eka Salam farms sa Ampatuan, Maguindanao.


Ito ay ayon sa Regional Bangsamoro Board of Investments (BBOI) na siyang nangasiwa sa naging pag-uusap ng dalawang panig.


Taong 2019, bunsod ng pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa, nagsarado ang Al-Sahar Agri-ventures, Inc. at nawalan ng trabaho ang mga magsasakang Iranun.


Dahil sa pagsisikap ng Regional BBOI na mabigyan ng trabaho ang mga nawalan ng hanapbuhay na mga magsasaka at patuloy na paghikayat sa mga lokal na imbestor na maglagak ng investment sa rehiyon, nagresulta ito sa pagkakasundo ng Eka Salam Agriventures Corporation at Iranun Premier Development Corporation – ang bagong inorganisa na samahan ng mga magsasaka ng saging.


Inaasahang abot sa dalawang daang hektarya ng lupa sa Buldon, Maguindanao ang muling matataniman ng Cavendish bananas na ii-export, kung saan magiging marketing arm ng magsasakang Iranun ang Eka Salam. Ito rin magbibigay ng mga eksperto sa technical at farm management.


Sa isang milyong piso na magagamit bawat hektarya, tinatayang aabot sa 200 million pesos ang halaga ng investment na mailalagak sa lugar at inaasahan na sa bawat 1.7 hectare area, nasa 400 na empleyado ang kinakailangan.


Ipinapalala naman ng Regional BBOI na maaaring mapagkalooban ang mga ito ng tulong pinansyal mula sa Landbank of the Philippines at Japan International Cooperation Agency (JICA) loan program for BARMM and conflict-affected area sa tulong ng Harnessing Agribusiness opportunities through Robust and Vibrant Entrepreneurship Supportive of peaceful Transformation (HARVEST) lending facility.



Photo Credit Bangsamoro Government

14 views
bottom of page