top of page

P30.2-M HALAGA NG SCHOOL BUILDING PROJECTS ITINURN-OVER NA SA MGA ISLAND SCHOOLS DIVISION SA BARMM

Marjie Kate Dayawan | iNEWSPHILIPPINES




Sa report mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education, abot sa P30.2-Million na halaga ng school building projects at mga pasilidad ang kanila nang pormal na naiturn-over sa iba't ibang island schools division sa rehiyon.


Sa Lamitan City Division, kabilang sa mga nabigyan ng proyektong ito ay ang Parangbasak National High School, Lamitan National High School at Balas Elementary School na may kabuuang halaga na P9,925,545.17 mula sa 2018 Basic Educational Facilities Fund.


Sa Basilan Division naman, kabilang sa mga benepisyaryo ng proyekto at pasilidad na ito ay ang Basilan Provincial Training Center kung saan ginamit ang P1,928,790 sa pagpapaayos ng TESD Provincial Office nito na mula sa 2021 Transitional Development Impact Fund.


Sa Sulu Division naman, kabilang rin ang Lapa Elementary School - Annex, Hadji Gulamu Rasul Elementary School, Hamid Halim Elementary School, Mohammad Tulawie Central Elementary School, Bwansa Elementary School, Lapa Elementary School, Bowal Bowal Elementary School, Kadday Mampallan Elementary School at Panglina Agga Elementary School sa mga benepisyaryo rin ng proyektong ito ng MBHTE. Abot naman sa P8,556, 734.96 ang kabuuang halaga ng proyekto na kanilang natanggap na pinondohan mula sa 2020 Contingent Fund, 2020 Transitional Development Impact Fund at 2021 Basic Educational Facilities Fund.


Habang sa Tawi-Tawi Division naman, nabigyan rin ng proyekto at pasilidad ang Imam Gayong Elementary School, Larap Elementary School, Hamid Halim Elementary School at Mohammad Tulawie Central Elementary School kung saan abot ito ay may kabuuang halaga na P10,698,315.80 na mula sa 2020 Contingent Fund at 2020 Transitional Development Impact Fund.

7 views
bottom of page