P30-M NA HALAGA NG ICE PLANT WITH COOLER STORAGE, NAKATAKDANG IPATAYO NG MAFAR-BARMM SA LANAO SUR

- Kate Dayawan



Photo Courtesy: MAFAR-BARMM

LANAO DEL SUR -- Isang groundbreaking ceremony ang isinagawa ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform – BARMM para sa ipapatayo nitong Ice Plant with Cooler Storage sa GMA Integrated Terminal, Barangay Poblacion, Marawi City noong Lunes, June 13.


Ang nasabing pasilidad ay nagkakahalaga ng P30 Million na binubuo ng 648 square meters building na nagkakahalaga ng P11.8-M, isang Ice Plant na may machinery na nagkakahalaga ng P13.3-M, isang delivery truck na nagkakahalaga ng P2-M, isang Genset na nagkakahalaga ng P1.7-M ang isang Transformer na nagkakahalaga ng P840,164 pesos.


Ayon kay MAFAR-LDS Chief Agriculturist Abdulgafar L. Sansarona, kapag natapos na umano ang nasabing proyekto, maaari na umanong ilagay ng mga magsasaka ang kanilang mga preskong produkto habang maaari namang makabili ng bloke ng ice ang mga mangingisda dito sa murang halaga lamang.


Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng nasabing pasilidad sa loob ng 120 araw.

8 views