top of page

P374K NA HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA SA INILUNSAD NA CHECKPOINT OPERATION NG OTORIDAD SA MARAWI CITY

Kate Dayawan | iNews | January 5, 2022

Courtesy: Police Regional Office - BAR



Cotabato City, Philippines - Sa report mula sa Police Regional Office - BAR, sinita umano ng pinagsanib na pwersa ng Marawi City Police Station at 500th Combat Engineer Battalion, 5th Engineer Brigade ang tatlong suspek dahil sa hindi pagsusuot ng face mask nang dumaan ito sa inilunsad na checkpoint operation sa Barangay Gadongan, Marawi City, Lanao del Sur noong January 2.


Ngunit napansin ng mga tropa ang nakasukbit na baril sa kaliwang baywang ng drayber dahilan upang magsagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang tropa.

Matapos halughugin ang ginamit na sasakyan, nakumpiska ng otoridad ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 55 grams at may estimated market value na 374,000 pesos.

Bukod dito ay nakumpiska rin ang isang Caliber .45 pistol chamber na may dalawang magazine at pitong live ammunition.


Hinuli ng otoridad ang tatlong suspek na nakapiit na ngayon sa Marawi CPS at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9561 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng PRO-BAR, ang operatiba dahil sa matagumpay na operasyon nito.


Ipinapakita lamang umano nito ang commitment at kooperasyon ng mga law enforcer sa pagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga at mahuli ang mga kriminal nang sa ganoon ay mapanatili ang kaayusan at ligtas na rehiyon ng Bangsamoro.

5 views
bottom of page