top of page

P4.3 MILLION NA HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT SA ANTI-SMUGGLING OPERATIONS NG PNP SA SULU

Kate Dayawan | iNEWS Phils | April 1, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Abot sa 120 cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng Php 4.3 Million ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang municipal police station sa lalawigan ng Sulu matapos na ilunsad ang Anti-Smuggling Operations sa lalawigan.


Ang pinaigting na Anti-Smuggling Operations ay isinagawa sa Barangay Tulay Zone 3, Jolo kung saan 50 cases ng sigarilyo ang nakumpiska na nagkakahalaga ng Php 2.5 million. 30 cases rin ang nakuha sa Barangay Buansa, Indanan na nagkakahalaga naman ng Php 900,000. Nasabat naman sa Barangay Umangay, patikul ang 15 cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng Php 225,000 habang 25 cases naman ang nakumpiska sa bayan ng Parang na nagkakahalaga ng Php 750,000.


Ang mga nakumpiskang kontrabando ay dinala sa Camp PSSupt Julasirim A Kasim sa Brgy. Asturias, Jolo para sa dokumentasyon at proper disposition.


Patuloy naman umanong ipapatupad ng Sulu Police Provincial Office, kasama ang iba pang government agencies, ang probisyon sa ilalim ng RA 8424 o ang National Internal Revenue Code of 1997 at R.A No. 10863.


Pinuri naman ni PBGen. Arthur Cabalona, Regional Director ng Police Regional Office BARMM, ang operating troops sa Sulu para sa matagumpay na operasyong ito laban sa smuggling.


Muling sinabi ng Regional Director na patuloy na tutugunan ng PRO BAR ang lahat ng uri ng kriminalidad sa rehiyon upang makamit ang ligtas, payapa at progresibong komunidad sa BARMM.


End.




6 views
bottom of page