top of page

P500 MILYONG FUEL SUBSIDY PARA SA MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA, HANDA NA

Amor Sending | iNEWS | January 26, 2022


Photo Courtesy: Google Photo



COTABATO CITY, Philippines - 500-milyong pisong pondo ang nakahanda, ito ang sinabi ng Department of Agriculture.


Sa ilalim ng Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk Program, naglaan ang Department of Agriculture ng pondo na naglalayong bigyang-diskwento ang mga magsasakat at mangingisda sa produktong petrolyo.


Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, may batayang sinusunod ang ahensiya bago umano ito gawin.


Gagamitin lamang umano ang P500 milyong pondo kapagka ang average na presyo ng krudo ng Dubai ay umabot o lumampas sa $80 kada barrels,


Aniya, hangga't hindi ito naabot, ay hindi muna magagamit ang pondo. Ngunit sa ngayon ay mino-monitor na ito ng ahensya.


Batay sa datos ng Department of Agriculture , umaabot nasa P13.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Odette sa agrikultura.


Pinakamalaking pinsala ang naitala sa fisheries sector na halos P4 billion pesos. Pumapangalawa sa rice sector na P2.12 billion.


Dahil dito, sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na gumagawa na sila ng mga plano para maiwasan na ang ganito kalaking pinsala sa agrikultura sa mga susunod na bagyong tatama sa bansa.


9 views
bottom of page