P6.8 million na halaga ng iligal na droga, nasamsam sa buybust operation

Kate Dayawan | iNEWS | September 24, 2021


Cotabato City, Philippines - Timbog ang bente kwatro anyos na lalaki na kinilalang si alyas Totoh. Ito’y matapos na positibong mabilhan ng iligal na droga sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP - City Drug Enforcement Unit (CDEU) umaga ng Huwebes, September 23, sa Purok 5, Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.


Residente ng Talipao, Sulu ang suspek na si alyas Totoh.


Nakuha mula sa posesyon nito ang isang kilo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P6.8 million.


Bukod dito, nakumpiska rin ang boodle money na nagkakahalaga ng P1.1 million.


Pinuri naman ni Mayor Beng Climaco ang operatiba dahil sa pagkakahuli ng malaking halaga ng droga alinsunod sa anti-illegal drugs campaign ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakapiit na ngayon sa Police Station 4 ng lungsod ang suspek habang inihahanda pa kasong ipapataw sa kanya habang ang mga narekober na iligal na droga ay dinala sa Zamboanga City Crime Laboratory.




3 views