top of page

P6.85 ANG ITINAAS SA KADA LITRO NG DIESEL NGAYONG ARAW, P1.20 SA GASOLINE AT P3.50 SA KEROSENE

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Matapos ang ilang linggong sunod-sunod na rollback sa presyo ng petrolyo, isang malakihang oil price hike ang sumalubong sa mga motorista ngayong araw.


Ayon pa sa driver na si Prince, parang ang limang beses na roll back, binawi lang ng isang araw na price hike.


Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, nasa 6.85 ang dagdag na presyo sa kada litro ng Diesel, 1.20 naman sa Gasolina, at 3.50 naman sa Kerosene.


Ang dagdag-presyo ay kasunod ng anunsiyo ng mga bansang kasapi sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus na magbawas ng produksiyon ng langis sa Nobyembre.


Sa nagdaang limang sunod na rollback, umabot sa mahigit P9 ang nabawas sa presyo ng diesel, higit P5 sa gasolina at halos P10 sa kerosene.


End

0 views
bottom of page