Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Kulungan ang bagsak nina alyas Jafar at alyas Sala, matapos mahuli sa ikinasang anti-illegal drug operation ng otoridad sa Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu, araw ng Lunes.
Nasamsam din sa opersayon ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6.8 million pesos.
Photo courtesy : PDEA BARMM
Inilunsad ang operasyon kasunod ng surveillance sa umano'y illegal drug trade activities ng mga suspek.
Nasamsam din ng mga pulis, sundalo, at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa operasyon ang dalawang mobile phone, at iba pang personal na gamit.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nakakulong sa Jolo Police Station.
End