top of page

P6.9M NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA, 7 DRUG PERSONALITIES, ARESTADO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Arestado ang dalawang drug personalities at kinalas ang isang drug den sa Barangay Mapantao, Lumba Bayabao, Lanao Del Sur bandang ala sais bente ng umaga, Martes, August 9.


Kalaboso si alyas Bong, drug den owner matapos mabilhan ng iligal na droga ng isang undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer. Huli naman sa akto si Alyas Amer sa loob ng drug den na nagsasagawa ng pot session habang nakatakas naman ang dalawa pang kasama ng mga ito na sina Alyas Jalil at Alyas Rashid.

Nakumpiska sa operasyon ang labing pitong pakete ng hinihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng 102 thousand pesos, drug paraphernalia, cellphone, isang unit ng unit 45 caliber pistol 1911 Colt, mga bala at IDs.

Alas-dos naman ng hapon na kaparehong petsa, tatlong drug suspects naman ang naaresto

sa Purok Warda, Brgy. Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao –

Kinilala ang mga ito na sina Alyas Mola, Alyas Komer at Alyas Soy.

Sa naturang operasyon, sinira din ng mga operatiba ang drug den at nakumpiska naman ang dalawampu’t isang pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 74 thousand,8 hundred pesos, buy-bust money, drug paraphernalia, at mga personal na gamit ng mga naaresto.

Sa Tawi-tawi naman-

Isang kilo ng hinihinalaang shabu naman na nagkakahalaga ng 6 million and 800 thousand pesos ang nakumpiska ng awtoridad habang dalawa namang drug personalities ang nalambat sa ikinasang operasyon sa Port Area, Barangay Poblacion, sa Bayan ng Bongao.

Naaresto ang mga suspek na sina Alyas Nurhamin at Alyas Hosna matapos na mabilhan ng Iligal na droga ng undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer. Nakatakas naman ang kasamahan ng mga ito na si Alyas Utoh.

Nakumpiska din ang buy-bust money, at isang motor banca.

Nitong martes lang, pinuri naman ng lokal na pamahalaan ng Cotabato City ang pagsisikap ng PDEA – BARMM sa pagpapaigting nito ng kampanya kontra iligal na droga.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o COmprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002.

5 views
bottom of page