FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES

Nasamsam ng Zamboanga City Police Office ang 7.2 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa ikinasang anti-smuggling operation sa Barangay Baliwasan ng lungsod kahapon.
Sa report mula sa Zamboanga City Police Office, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Nashry at alyas Alhamer.
Photo courtesy: ZCPO
Ayon pa sa pulisya, naharang ng mga operating team mula sa hanay ng pulis at Bureau of Customs (BOC) ang isang Isuzu Elf van na may kargang 207 master cases ng smuggled na sigarilyo at tuluyang inaresto matapos na walang maipakitang dokumento.
Ang mga suspek ay isinailalim sa kustodiya ng pulisya habang ang sasakyan at ang mga kargamento nito ay dinala sa Camp Batalla at kalaunan ay itinurn-over sa kustodiya ng BOC para sa kaukulang disposisyon.
End