top of page

PAG-AANGKAT NG DAGDAG NA 150,000 METRIC TONS NA ASUKAL, PINAG-AARALAN PA RIN NGAYON.

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sasailalim pa rin sa pagsusuri ang planong mag-angkat ng humigit-kumulang 150,000 metric tons (MT) ng asukal


Sa isang press conference, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi pa nakakatanggap si Marcos ng kopya ng plano sa pag-import ng asukal.


Sa kanyang kamakailang vlog, inihayag ng pangulo ang gobyerno ay nagbabalak na mag-import ng dagdag na 150,000 MT ng asukal, kung ang supply ng bansa ay bababa sa Oktubre.


Tinitingnan naman Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagpapalabas ng kautusan na nagpapahintulot sa pag-import ng 150,000 MT ng asukal sa kalagitnaan ng Setyembre.


Ang importation order, ay makakatulong sa pagpapatatag ng presyo ng asukal sa merkado.


Matatandaang nauna nang tinanggihan ni Marcos ang panukalang mag-angkat ng 300,000 MT ng asukal, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa hadlang sa suplay. Sa kabila ng kanyang hindi pag-apruba, nauna nang nagpalabas ang SRA ng Sugar Order (SO) 4 na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 300,000 MT ng asukal.


Ang pagpapalabas ng SO 4 ay tinawag na “illegal” ng Malacañang.


Kaugnay dito inatasan ng pangulo na magkakaroon ng surprise visit sa mga bodega ng asukal sa bansa.



8 views
bottom of page