top of page

PAG AMIYENDA SA ENVIRONMENT CODE NG SOUTH COT KUNG SAAN PAPAYAGAN NA ANG OPEN PIT MINING, BINATIKOS!

Kate Dayawan

SOUTH COTABATO - Kinalampag ng anti-mining advocates ang provincial capitol ng South Cotabato Huwebes ng umaga.


Ito’y matapos amiyendahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Environment Code ng probinsya kung saan pinapayagan na ang open-pit mining.


Nagmartsa ang iba’t ibang grupo na tutol sa nasabing hakbang bitbit ang mga plakards kung saan nakasulat ang kanilang mahigpit na pagtutol.


Bagama’t wala pa sa kanyang mga kamay ang mga dokumento kaugnay sa ginawang ammendment ng SP-


Napatanag naman ang mga nagprotesta nang humparap sa kanila si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr


Ang pakikipag-usap ay sinundan pa ng dayalogo sa pagitan ng mga obispo sa pangunguna ni Bishop Cerilo Casicas ng Archdiocese of Marbel


Base sa isang artikulo ng CNN Philippines noong abente otso ng Disyembre 2021-

Binawi na ang nationwide ban hinggil sa open-pit mining alinsunod sa naging kautusan ni DENR Secretary Roy Cimatu matapos nitong lagdaan ang Department Administrative Order (DAO) No. 2021-40 noong December 23, 2021.


Dito nakasaad ang pagbibigay pahintulot sa open-pit mining para sa copper, gold, silver, at complex ores.


Bagay na mahigpit na tinututulan noon ng namayapang DENR Secretary Gina Lopez.


Sa isang artikulo ng Business Mirror, sinasabing ang Tampakan deposit sa South Cotabato ang isa sa largest copper resources sa bansa at sa buong mundo.


Ito ay may tinatayang 2.94 billion tons ng ore grading 0.6 percent copper at 18 million ounces of gold.


Noong Lunes, Mayo a dise sais, labing isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato unanimously voted para sa amendment ng provincial Environmental Code.


Pinangunahan ito ni Board Member Glycel Mariano-Trabado.


Hindi pa opisyal na nakakarating kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang mga dokumento hinggil dito-


Ganon pa man, inilatag na ng gobernador sa eksklusibong panayam ng IMINDS PHILIPPINES ang mga maselang usapin kasunod ng mga hakbang hinggil dito.

9 views
bottom of page