Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na bagama't malayo ito sa Philippine Area of Responsibility...
Ay patuloy pa ring mino-monitor ngayon ang isang bagyo sa labas ng PAR at may International name na HINNAMNOR.
Posibleng pumasok ito ng bansa sa miyerkules o huwebes.
Samantala, minominotor din ang mga kaulapan na maaaring may mabuong Low Pressure Area ngayong linggo
At para naman sa ating magiging panahon bukas
Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 33 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.
Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.
Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 31 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.
22- 32 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 80% ang tsansang uulan.
Sa Zamboanga City, mula 25-31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.
Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 17-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.
Sumikat ang araw kaninang 5:36 ng umaga at lulubog 5:52 ng hapon.