PAGASA, may binabantayang 2 LPA sa loob ng PAR

Weather Update | November 3, 2021


Cotabato City, Philippines - Dalawang Low Pressure Area ang mino-monitor ngayon ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.


Sa datos ng PAGASA--


Huling namataan ang unang LPA sa bahagi ng Visayas sa layong 70 km, kanluran ng Dumagute City, Negros Oriental.


Habang ang isang LPA naman ay nasa layong 1,095 km silangan ng Visayas.


Bunsod ng LPA.. Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong buhos ng ulan at thunderstorms sa Visayas, Masbate, Palawan, Zamboanga del Norte at Misamis Occidental.


Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga isolated rainshowers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Mindanao dulot naman ng Localized Thunderstorms.


Para sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 50 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 23-32 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 70 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 31 degree celsius at 50% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 18 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:20 ng gabi.




1 view