top of page

PAGASA, may binabantayang 2 sama ng panahon

Weather Update | October 27, 2021


Cotabato City, Philippines - May dalawang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA.

Huling namataan ang Severe Tropical Storm na si Malou sa layong 1,800 km east ng extreme Northern Luzon.


Habang ang Tropical Depression naman ay namataan sa layong 445 km, kanluran ng Kalayaan Island, Palawan.


Makakaranas ng maulap na kalangitan na may mga katamtamang buhos ng ulan sa Aurora at Quezon.


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may mga isolated light rains ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng gitnang Luzon.


Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan rin na may mga isolated rainshowers at thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 34 degree celsius at 40 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 50 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 50% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 27 degree celsius at 80% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:21 ng gabi.




1 view
bottom of page