PAGASA, may namataang bagong Low Pressure Area

WEATHER UPDATE | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Isang panibagong LOW PRESSURE AREA ang namataan ng PAGASA at ito’y nasa Coastal waters ng Dumaran Palawan.

Ngunit mababa ang tsansa na maging isang bagyo.


Makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA and Western Visayas

Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 32 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-32 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 21-30 degree celsius at 100 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 24-29 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 50% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 25 degree celsius at 80% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:39 ng gabi.




3 views