WEATHER UPDATE | iNEWS | SEPTEMBER 16, 2021
Cotabato City, Philippines - Patuloy pa ring umiiral sa buong bansa ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ
Samantala, may namataan namang isang LOW PRESSURE AREA sa layong 135 km East Northeast of Guiuan, Eastern Samar.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Visayas, Mindanao at Bicol Region dulot pa rin ng ITCZ.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 31 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 23-32 degree celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-29 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 90 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 24 to 29 degree celsius at 80% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 25 degree celsius at 70% ang tsansa na uulan.
Ang araw ay sumikat 5:32 ng umaga at lulubog 5:42 ng gabi.
