Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na kaninang 4 AM ay huling namataan ang Tropical Depression sa layong 1, 525 kilometers silangan ng extreme Northern Luzon.
May lakas ng hangin ito na umaabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugso naman na aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ito patungong timong sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ngunit sa kasalukuyan ay wala pa naman itong direktang epekto sa bansa.
Samantala, humina na ngayon ang epekto ng Habagat at ITCZ o Intertropical Convergence Zone na naman ang nakakaapekto sa Palawan at Mindanao.
Kaya naman inaasahan pa rin ngayong araw ang mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalong lalo na sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
At para naman sa ating magiging panahon bukas..
Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 32 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.
Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 33 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.
Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 32 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.
22- 32 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 100% ang tsansang uulan.
Sa Zamboanga City, mula 25-30 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 90% ang chance of rain.
Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 18-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 100% ang chance of rain.
Sumikat ang araw kaninang 5:34 ng umaga at lulubog 5:47 ng hapon.