Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na patuloy na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm "Nanmadol."
Huling namataan bagyong Nanmadol sa layong 1, 850 kilometers Silangan ng Extreme Northern Luzon.
May lakas ng hangin ito na aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugso naman na aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang Bagyong Nanmadol sa direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Samantala, nakakaapekto naman ang Habagat sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Western section ng Mindanao kung saan makakaranas ang mga ito ng mga pag-ulan.
At para naman sa ating magiging panahon bukas..
Sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 32 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.
Sa Maguindanao, papalo rin mula 23- 33 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.
Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 31 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 70% ang chance of rain.
22- 31 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 70% ang tsansang uulan.
Sa Zamboanga City, mula 25-30 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.
Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 17-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.
Sumikat ang araw kaninang 5:33 ng umaga at lulubog 5:44 ng hapon.