Weather Update | iNEWS | September 27, 2021
Cotabato City, PhiIlippines - Mino-monitor pa rin ng PAGASA si Typhoon Mindulle.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,600 km Silangan ng dulong hilagang Luzon
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 230 km/h.
Kumikilos ito patungong North Northwest sa bilis na 10 km/h.
Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 40 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 23-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 50 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 31 degree celsius at 40% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 27 degree celsius at 50% ang tsansa na uulan
Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:35 ng gabi.
