Amor Sending | iNEWS | January 26, 2022

Photo Courtesy: Google Photo
COTABATO CITY, Philippines - Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., nakahanda na ang gobyerno sa gagawing bakunahan ng mga bata na pasok sa nasabing age group.
Sinabi ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. na sisimulan na sa Enero 4 ang pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing isang taon.
Dagdag nito na ang ang pediatric vaccination para sa age bracket ay iro-roll- out sa dalawang bahagi.
Para sa first phase, Ang pilot run ay isasagawa sa isang hospital-based at isang local government unit (LGU)-based vaccination site kada lungsod, sa loob ng National Capital Region (NCR).
Matapos ang isang linggo, palalawigin ito sa nalalabing inoculation sites sa Kalakhang Maynila at iba pang rehiyon, para sa second phase.
Sinabi ni Galvez na magpapalabas ang gobyerno ng memorandum guidance ngayong linggo, mayroon na ring nakatakdang town hall meetings mula Enero 24 hanggang 28, para sa rollout ng pediatric vaccination sa ilalim ng 5-11 years old age bracket.
Tiniyak naman ni Galvez sa mga magulang na ligtas ang gagamiting bakuna dahil mas mababa ang formulation nito na angkop para sa mga bata.
Inaasahang darating sa Lunes ang unang batch ng 780,000 Pfizer doses para sa age group.
Ongoing na rin ang pagpaparehistro ng maraming local government unit sa rehiyon para sa mga interesadong pabakunahan ang kanilang mga anak.
Base sa data ng NTF nasa 7,246,430 adolescents, o mga bata na may edad 12 to 17 ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.