PAGHAHANDA SA BAGYONG MAWAR

DSWD PUSPUSAN NA ANG PAGHAHANDA PARA SA PAPASOK NA BAGYONG MAWAR SA BANSA UPANG MASIGURO NA SAPAT AT HANDA ANG MGA FOOD PACKS AT TULONG PINANSIYAL SA MGA POSIBLENG SALANTAIN NG BAGYO
Presidential Communications Office - Puspusan na ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development sa papasok na Typhoon Mawar sa bansa upang masiguro na sapat at handa ang mga food packs at mga pinansyal na tulong na ibibigay sa mga rehiyong posibleng salantahin ng bagyo.
Sa datos na inilatag ng DSWD, mayroong 797, 051 stockpile na family food packs sa iba’t ibang regional offices na nagkakahalaga ng 565.78 million pesos.
Mayroon namang 110, 667 family food packs na nakahanda na sa mga disaster response centers.
Ibinahagi rin ng DSWD na mayroong 579.89 million na quick response fund sa central office at 69.77 million sa mga DSWD field offices.
Ang DSWD Cordillera Administrative Region ay nag-preposition na ng 16, 355 family food packs na hahatiin sa mga probinsya ng Apayao, Kailanga at Abra.