top of page

PAGKA-ANTALA SA KONTRATA AT SWELDO


Tututukan ng Committee on Health ng BTA Parliament ang sinasabing pagka-antala ng signing of contracts at sweldo para sa human resources kabilang na ang nasa ilalim ng Nurse Development Program, Rural Health Midwives Placement Program, at iba pang nationally funded programs. Aalamin din ng komite ang hiring at promotion ng employees ng Ministry of Health.


Photo Courtesy: Bangsamoro Transition Authority Parliament


Ilang resolusyon ang pinagtibay ng Bangsamoro Parliament’s Health Committee sa session kahapon.


Base sa pinagtibay na resolusyon, aalamin ng Committee on Health ang framework strategy, implementasyon ng vaccinations, estado ng emerging at re-emerging diseases sa rehiyon, at ang plano ng Ministry of Health hinggil sa pagpapatayo ng mga ospital.


Isang resolusyon din ang pinagtibay kung saan pinapasumite ng report ang MOH sa BTA hinggil sa estado ng mga community-intended health projects na kinabibialngan ng mga pasilidad, equipment, human resources, extensions or outreach, at training.


Pinagkasunduan din ng komite na tutukan ang umanoy pagka-antala sa signing of contracts at sweldo para sa human resources kabilang na ang nasa ilalim ng Nurse Development Program, Rural Health Midwives Placement Program, at iba pang nationally funded programs. Aalamin din ng komite ang hiring at promotion ng employees ng Ministry of Health.


Apat na special subcommittees din ang binuo para tutukan ang ibang isyu kaugnay sa health programs.

14 views0 comments