top of page

PAGKAKAKILANLAN NG MGA SUSPEK SA PAMAMARIL-PATAY KAY CCPSO RET. COL. ROLEN BALQUIN, TUKOY NA NG PNP!

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 30, 2022


Cotabato City, Philippines - Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pamamaril-patay kay City Public Safety Officer Ret. Col. Rolen Balquin.


Ito ang inihayag ng tagapagsalita ng Cotabato City Police Office na PMaj. Mark Joseph Porras sa panayam ng iNews Philippines.


Aniya, nasa halos 70 – 80% nang nareresolba ang nasabing kaso.


Ayon kay Maj. Porras, naisampa na rin umano ng mga miyembro ng binuong Special Investigation Task Group sa korte ang kaso at hinihintay na lamang na mailabas ang warrant of arrest laban sa mga suspek.


Tikom bibig muna ang pnp sa pagsasapubliko sa pangalan ng mga suspek.


Samantala, araw ng lunes, March 28 nang ihatid sa kanyang huling hantungan ang nasawing opisyal.


Noong lunes rin sana ang ika-61st birthday ng biktima.


Hanggang sa huling hantungan, hustisya pa rin ang sigaw ng mga pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at kakilala ni Col. Balquin.


End.

9 views
bottom of page