top of page

PAGLAHOK SA 77TH UNGA, MAGANDANG PANIMULA NG KANYANG ADMINISTRASYON AYON KAY PBBM

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Sa pagsulong sa interes ng bansa, tinuring ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang isang linggo biyahe sa Amerika sa pagdalo nito sa 77th United Nation General Assembly na isang magandang simula ng kanyang adminitrasyon Inilatag nito sa pulong ang mga pandaigdigang isyu na nangangailangan ng nagkakaisang pandaigdigang aksyon, tulad ng climate change, pagtaas ng mga presyo ng pagkain, mabilis na pagbabago sa teknolohiya, mapayapang paglutas ng mga international conflict, at maging proteksyon ng mga migrante.


Ibinahagi rin ng Pangulo ang karanasan ng Pilipinas sa peace process kung saan, ginawang halimbawa nito ang peace process ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pagsasabuhay ng agrikultura, at pagsusulong ng karapatang pantao sa pamamagitan ng UN Joint Program on Human Rights.


Binigayn diin din ng pangulo ang paniniwala ng Pilipinas sa primacy ng rule of law, na kinapapalooban ng UN Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.


Nakipagpulong din si Marcos kay UN Secretary-General Antonio Gutierres at muling pinagtibay ang partnership ng Pilipinas at UN.


Nagpaabot siya ng imbitasyon sa General Secretary na bumisita sa Pilipinas.


Nagbigay din ang Pangulo ng kaniyang mensahe sa New York Stock Exchange at sa Philippine Economic Briefing, kung saan hinatak ang mga institutional investors, senior corporate executives, fund managers at entrepreneurs.


Nakipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa US at nagpasalamat sa kanilang trabaho at kontribusyon sa Pilipinas at US.


Ipinahayag niya ang kanyang paggalang at paghanga sa kanilang pangako sa kinabukasan at kapakanan ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas at ibinahagi sa kanila ang mga prayoridad ng administrasyon na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.


0 views
bottom of page